Connect with us

Kaso ng dengue sa bansa, tumaas ng 33% ngayong taon- DOH

Dengue death toll mula Enero, nasa 400 na– DOH

National News

Kaso ng dengue sa bansa, tumaas ng 33% ngayong taon- DOH

Nakatutok ngayon ang Department of Health (DOH) sa pagtaas ng kaso ng dengue at leptospirosis kasunod ng pananalasa ng habagat at bagyong Carina.

Mula Enero 1 hanggang Agosto 3, 2024, nakapagtala ang DOH ng mahigit 136,161 na kaso ng dengue sa bansa.

Ayon kay DOH Spokesperson Assistant Secretary Albert Domingo, ang nasabing bilang ay mas mataas ng 33% kumpara sa kaparehong panahon noong 2023 na nasa 102,374 lang.

Gayunman, mas mababa ang death toll ng dengue ngayong 2024 dahil nasa 364 lang ito kumpara noong 2023 na nasa 401.

Tulad ng leptospirosis at gastroenteritis, ani Domingo, nagsimula rin ang mga sintomas ng dengue sa lagnat, sakit ng ulo, at pananakit ng katawan kaya importante aniya na magtanong sa doktor o pinakamalapit na health center para mabigyan ng paunang lunas.

Samantala, sa leptospirosis, nasa 523 ang naitalang kaso ng DOH mula Agosto 1- 13, 2024.

Mula sa nasabing bilang, 43 na ang mga namatay at 41 dito ay matatanda habang ang dalawa ay mga bata.

Nasa Metro Manila ang karamihan sa mga naitalang kaso ng namatay.

Tiniyak na ng DOH na sapat ang mga kama o wards ng mga ospital para sa mga pasyente.

More in National News

Latest News

To Top