National News
Kaso ng dengue sa Metro Manila, hindi abnormal – Dr. Balboa
Hindi abnormal ang naitatalang kaso ng dengue ngayon sa Metro Manila.
Ayon kay Department of Health-National Capital Region (DOH-NCR) Regional Director Dr. Gloria Balboa sa panayam ng Sonshine Radio, ito’y dahil panahon na ng tag-ulan kung kaya’t maaasahan rin ang pag-usbong ng naturang sakit.
“Itong dengue ho, ay talagang seasonal po ito, tumataas kapag itong tag-ulan. Kaya nga po nung June, nung as early as June po nagkaroon tayo ng “Dengue Awareness Month”. Kaya ito ang umpisa ho ng tag-ulan. So, inagapan po natin, wherein talagang in-increase po natin ang information dissemination natin sa ating mga kababayan. Para ho gawin ‘yung mga preventive measures ng hindi po tumaas ang dengue cases natin,” ani Dr. Balboa.
Sa datos ng DOH-NCR, mula January 1 – July 4, may naitalang 5,735 kaso ng dengue sa Metro Manila.
May 16 rin na nasawi sa panahong ito ayon sa doktora.
Kung ikukumpara ito sa kaparehong panahon noong nakaraang taon, bahagyang tumaas ng 28% ang naitatala ngayong 2022 sa NCR.
Subalit ayon kay Dra. Balboa, kung ikukumpara ito sa five-year average record, hindi mataas ang naitatalang dengue cases ngayong taon.
Ipinapaalala din ni Dra. Balboa ang importansya ng pagpapatupad ng bilang panglaban sa dengue.
