National News
Kaso ng dengue sa Pilipinas, may pagbaba – DOH
May pagbaba sa kaso ng dengue kahit pa nagkakaroon na ng mga pag-ulan ayon sa Department of Health (DOH).
Sa datos ng ahensya, nasa 3,634 lang ang kaso mula April 21 – May 4, 2024.
Kung ikukumpara, mababa ito sa 5,211 na naitalang kaso sa pagitan ng April 7 – 20.
Higit na mas mababa rin ito sa 5,380 na kaso ng March 24 – April 6.
Sa kabila nito ay sinabi ng DOH na maaaring madagdagan ang bilang dahil sa late reporting.
