Connect with us

Kaso ng dengue sa Pilipinas, pumalo na sa halos 200K ngayong taon

Kaso ng dengue sa Pilipinas, pumalo na sa halos 200K ngayong taon

National News

Kaso ng dengue sa Pilipinas, pumalo na sa halos 200K ngayong taon

Pumalo na sa 196,728 ang naiulat na kaso ng sa Pilipinas mula Enero 1 – Nobyembre 5 ngayong taon.

Ayon sa Department of Health (DOH), ito ay 191% na mas mataas kumpara sa 67,537 dengue cases na naitala sa kaparehong panahon noong 2021.

Sa naitalang bilang, nakapagtala ang DOH ng 642 na nasawi na may case fatality rate na 0.3%, mas mataas kumpara sa 247 deaths noong nakaraang taon.

Pinakamaraming naitalang dengue cases sa Central Luzon na may 38,640 sumunod ang Metro Manila na may 22,666 at CALABARZON na may 16,575 cases.

Habang ang Central Visayas ay nakapagtala ng maraming nasawi dahil sa dengue na may 98 sumunod ang Central Luzon at Western Visayas na may tig-83 deaths.

More in National News

Latest News

To Top