National News
Kaso ng rabies, tumaas ngayong Setyembre– DOH
Tumaas ang naitalang kaso ng rabies sa bansa ngayong buwan ng Setyembre ayon sa Department of Health (DOH).
Sa datos ng ahensya hanggang Setyembre 14, aabot na sa 354 kaso ng rabies ang naitala sa buong bansa.
Mas mataas ito ng 23% kung ikukumpara sa mahigit 280 noong nakaraang taon sa kaparehong panahon.
Ang mga kaso ay mula sa National Capital Region (NCR), Ilocos Region, Cagayan Valley, Bicol Region, Central at Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao Region at SOCCSKSARGEN (South Cotabato, Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani at General Santos).
Dahil dito, patuloy na hinihimok ng DOH ang publiko na maging maingat at ipabakuna ang alagang mga hayop.