National News
Kaso ni Mary Jane Veloso sa Indonesia, nais pabuksan muli
Ipinanawagan ng OFW Party-list na buksan muli ng bagong Indonesian president ang hinggil sa kaso ng Overseas Filipino Worker (OFW) na si Mary Jane Veloso.
Si Veloso ay kasalukuyang nasa Indonesia at hinatulan ng parusang kamatayan dahil sa kasong drug trafficking nito noong taong 2010.
Sa pahayag ng party-list, sanay mapakinggan ng bagong pangulo na si Prabowo Subianto ang panig ni Veloso kung ano ba ang dahilan at tunay na pangyayari.
Enero ngayong taon ay nagpadala ng liham ang pamilya ni Veloso kay dating Indonesian President Joko Widodo na naglalaman ng hiling nitong mapalaya ang OFW.
Subalit matatandaan na noong 2015 ay ipinagpaliban na ang parusang bitay para sa kanya kaugnay sa anggulong biktima ng human trafficking si Veloso.
