Connect with us

Kasong direct assault laban kay Honeylet Avanceña, binawi ng PNP

Kasong direct assault laban kay Honeylet Avanceña, binawi ng PNP

National News

Kasong direct assault laban kay Honeylet Avanceña, binawi ng PNP

Kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) spokesperson PBGen. Jean Fajardo sa isang panayam na inatras o binawi na ng PNP ang ikakaso sanang direct assault laban sa common law wife ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Honeylet Avanceña.

Ayon kay Fajardo, nakausap raw ng mismong director ng PNP Special Action Force ang pulis na nagtamo ng bukol sa ulo dahil sa paglakahampas sa kanya.

Ani Fajardo, nagdesisyon ang pulis na huwag nang ituloy ang demanda bilang bahagi ng tungkulin ang masaktan sa mga kahalintulad na tensiyon.

Matatandaang, nagawa ni Honeylet ang aksiyon habang inilalayo sa kanya ng mga pulis si Kitty Duterte sa kalagitnaan ng pag-aresto kay dating Pangulong Duterte.

Kasalukuyan nang nagpapagaling ang pulis na binigyan naman ng kaukulang tulong ng PNP.

More in National News

Latest News

To Top