Connect with us

Kasong inihahanda laban sa China kaugnay sa pagkasira ng yamang dagat sa WPS, posibleng matapos na

Kasong inihahanda laban sa China kaugnay sa pagkasira ng yamang dagat sa WPS, posibleng matapos na

National News

Kasong inihahanda laban sa China kaugnay sa pagkasira ng yamang dagat sa WPS, posibleng matapos na

Umaasa ang Department of Justice (DOJ) na matatapos nila sa loob ng ilang linggo ang binubuong kaso na isasama bilang ebidensya laban sa China kaugnay sa pagkasira ng mga likas na yaman sa West Philippine Sea (WPS).

Gayunman ay sinabi ni DOJ spokesperson Mico Clavano na kinakailangan na mapalakas muna ang mga ebidensya sa environmental crimes case laban sa Beijing.

Sa ngayon anya ay nagpapatuloy pa ang koordinasyon ng DOJ sa office of the solicitor general para makumpleto ang ihahaing kaso.

Magugunitang una nang iniulat ng Philippine Coast Guard (PCG) ang sinasabing pagtambak ng durog at patay na mga corals sa escoda shoal na hinihinalang para sa pagtatayo ng artificial island ng China.

More in National News

Latest News

To Top