National News
Kasong katiwalian vs. Alice Guo, inilipat sa Valenzuela RTC
Kinumpirma ni Senate Majority Floor Leader Francis “Tol” Tolentino ang paglipat ng kaso ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo mula Capas, Tarlac Branch 109 patungong Valenzuela RTC.
Kasabay nito, nagpasalamat si Tolentino sa naging tugon ng RTC hinggil sa paglilipat ng kasong katiwalian laban kay Guo.
Una nang sinabi ng senador na posibleng mabasura ang kaso laban kay Guo dahil sa maling hurisdiksyon.
Alinsunod aniya sa memorandum circular ng Korte Suprema, dapat ihain ang kaso sa pinakamalapit na judicial region.
Dahil sa desisyon ng Capas, Tarlac RTC ay ipinagpaliban muna ang arraignment at pre-trial laban kay Guo.
Natanggap n ng Valenzuela RTC ang kaso laban sa sinibak na alkalde ayon sa Clerk of Court at nakatakdang mai-raffle ang kaso sa Setyembre 19, 2024.
Nag-ugat ang kaso ni Guo sa umano’y pagkakasangkot nito sa iligal na POGO (Philippine Offshore Gaming Operators) sa Bamban, Tarlac.