Connect with us

Kasunduan ng Pilipinas at Japan sa RAA, welcome development sa AFP

Kasunduan ng Pilipinas at Japan sa RAA, welcome development sa AFP

National News

Kasunduan ng Pilipinas at Japan sa RAA, welcome development sa AFP

Itinuturing na welcome development para sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang paglagda ng Pilipinas at Japan sa Reciprocal Access Agreement (RAA).

Ayon kay AFP Spokesperson Colonel Francel Margareth Padilla, malaking tulong sa bansa  ang kasunduan dahil lalo nitong pag iibayuhin ang kooperasyong pandepensa ng 2 bansa.

Makakatulong din aniya ang nilagdaang kasunduan sa pagpapalitan ng kaalaman gayundin sa pagtuklas ng mga bagong kasanayan.

Naniniwala si Padilla na malaki ang maitutulong ng Japan sa pagharap ng Pilipinas sa cyber threat lalo na at kilala ang nasabing bansa na namumuhay sa kinabukasan.

Partikular na matutunan ng bansa sa Japan ay ang paggamit ng makabagong teknolohiya na mabisang panlaban sa nagbabagong mukha ng cyber-domain.

More in National News

Latest News

To Top