Connect with us

Kategorya ng mga lugar ngayong eleksyon, maaari pang maiba – PNP

Maaari pang magkaroon ng adjustment sa mga election areas of concern category depende sa kasalukuyang political landscape ng lugar.

National News

Kategorya ng mga lugar ngayong eleksyon, maaari pang maiba – PNP

Maaari pang magkaroon ng adjustment sa mga election areas of concern category depende sa kasalukuyang political landscape ng lugar.

Sa panayam ng Sonshine Radio kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson Col. Jean Fajardo, sinabi nito na patuloy pa nilang sinusuri ang bawat area.

“Base po sa inisyal assessment po ng PNP, recommendation na rin po ‘yan ng ating field commanders ay halos nasa 100 po ‘yung mga towns and municipalities na nailista po natin sa red categories at 14 po ang cities. Subalit, let me reiterate sir no, itong pong listahan na ito ay patuloy po ang ginagawang validation at assessment. So, may posiibilidad na magkaroon po ng adjustment at maaari nga mabawasan o ‘yung iba naman pong category ay magkaroon po ng pagbabago,” ani Fajardo.

Ang category green ay area na walang security concern o mapayapang nagdaang mga eleksyon.

Ang category yellow ay kapag nagkaroon na ng record cases ng election-related incidents sa nagdaang dalawang eleksyon.

Ang category orange ay mga lugar na may agarang election concern gaya ng presensya ng npa o bangsamoro islamic freedom fighters.

Habang ang category red ay mga lugar na may malubhang election concern dahil na rin sa matagal nang kasaysayan nito sa election-related na mga insidente at kumpirmadong presensya ng mga armadong grupo.

Samantala, ngayong summer vacation, ipinaalala ng pnp na ipinapairal parin ang election gun ban at patuloy na susunod sa minimum public health standards.

More in National News

Latest News

To Top