International News
Kauna-unahang nasawi sa COVID-19 sa Estados Unidos, naitala
Isang pulitiko mula sa Washington, USA na nasa edad 50 ang kauna-unahang pasyente sa Estados Unidos na namatay dahil sa Coronavirus 2019 (COVID-19).
Batay sa ulat ng US health officials, may malala ng sakit ang pasyente bago pa nahawahan ng virus.
Wala pang malinaw na dahilan kung paano nakuha ng pasyente ang coronavirus.
Labis namang ikinalungkot ni Washington State Governor Jay Inslee ang pagkamatay ng biktima.
Dahil dito, agad nagdeklara ng state of emergency si Inslee dahil sa COVID-19.
Kasabay nito, nanawagan naman si US President Donald Trump sa kaniyang mga kababayan na maging kalmado at huwag mag-panic.
Tiniyak ni Trump na nakahanda ang Amerika para tumugon sa nasabing deadly virus.
Sa ngayon, nasa 70 kaso na ng COVID-19 ang naitala sa Amerika.