Nagsimula na ang filing ng Certificate of Candidacy sa mga tatakbong politiko sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Kung matutuloy, ito ay maituturing na makasaysayan dahil ito ang magiging kauna-unahang parliamentary election sa nasabing rehiyon ngunit malayo paman ang botohan mayroon nang mga nagpahayag na nais itong ipagpaliban.
Ngunit para sa 6th Infantry Division ng Philippine Army, hindi apektado ang kanilang ginagawang paghahanda para sa nalalapit ng eleksyon katunayan ginanap araw ng Lunes ang kauna-unahang Regional Joint Security Control Center (RJSCC) Meeting na pinangunahan ng Commission on Elections (COMELEC) at dinaluhan naman ng mga sundalo.
Sa panayam ng SMNI News kay LtCol. Roden Orbon, tagapagsalita ng 6ID isa sa mga tinalakay sa nabanggit na pagpupulong ay ang ginagawang hakbang ng mga otoridad para mapanatili ang seguridad sa nasbaing lugar.
“Pinag-usapan ‘yong mga measures na gagawin natin. Ano ‘yong mga posibleng risk areas at ‘yong mga ways ahead po in preparation dito sa upcoming national elections pati itong regional election sa BARMM.”
“Actually, nagsasagawa na tayo ng risk assesment measures, itong risk assesment sir Almar ito ‘yong kung saan dine-determine natin ‘yong mga areas na maituturing natin na high risk ginagawa na natin.”
Maliban dito ay nakikipagtulungan na rin aniya sila sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan gaya ng Philippine National Police (PNP) at maging sa mismong mga kandidato para matukoy ang mga high risk areas sa BARMM.
“Meron tayong collaboration with PNP and Comelec, nakikipag-ugnayan tayo sa mga likely candidates.
“Tinitignan din natin ‘yong mga profile nila para makapagdagdag ng insight kung sino ‘yong mga dapat protektahan at nagsasagawa narin kami ng area assessment, ‘yong mga suspected o ‘yong mga probable na mga high risk areas so kina-conductkan na namin ng assesment ‘yan through visitation through visibility ginagawa na natin ‘yon.”
Sa ngayon, sinabi ni Orbon na hindi pa nila tukoy ang mga lugar na maituturing na high risk ngunit tinitignan nila ang mga lugar na mayroong insidente ng krimen.
“Wala pa talagang specific areas na high risk of course tinitignan natin dyan ‘yong Cotabato City kasi ito ‘yong sentro tapos may mga mangilan-ngilan na bayan dyan sa Maguindanao del Sur tsaka Maguindanao del Norte
“’Yong mga napabalitaan natin na may mga incident na nangyari so hopefully hindi na madagdagan ‘tong mga areas na mako-consider natin na hotspot pero ‘yon palang wala pa ‘yong official list na maituturing natin na hotspot, election hotspot.”
Kaugnay nito, inihayag ng tagapagsalita ng 6ID na isa sa kanilang major concern sa ngayon ay ang nagpapatuloy na rido o ‘yung away pamilya na nauuwi sa karahasan na kalimitan nangyayari sa BARMM.
“Tama po yan, isa po ‘yan sa mga tinitignan talaga natin at ang kagandahan naman dyan in collaboration with our BARMM offcials at yong ating MILF leaders naa-adress naman natin ‘yan at nato-trouble shoot
“ ‘Yon nga po ang panawagan ng aming commanding general si MGen Antonio Nafarrete na para talagang mapigilan itong mga RIDO nato once and for all isa talaga sa itinutulak namin sir Almar ay ‘yong pag-ressume o pag-fast track ng ating decommissioning process.”
Ngunit nilinaw ng tagapagsalita na bagamat mayroon silang mangilan-ngilan na namamataan na pwersa ng mga rebelde maayos naman aniya ang kanilang ugnayan sa liderato ng MILF.
“Meron pa po silang mga pwersa na natitira meron na pong mga mangilan ngilan at marami narin ‘yong tinatawag natin na dicommissioned infact very active maganda po yong ating pakikipag-ugnayan sa kanila specially sa MILF leadership.”
Sa huli, umaasa ang 6ID na maging maayos at payapa ang gagawing election sa BARMM.
“Nananawagan tayo sa ating mga kababayan specially sa mga kababayan natin dito sa BARMM.
Magkakaroon tayo ng first ever parliamentary regional elections sana maging maganda ang resulta nito at pagtulong-tulungan po natin ito.
Sana maipagmalaki natin ito na maging peaceful, payapa at honest kung meron po kayong mga information o may naobserbahan ang ating mga kababayan na mga hindi magagandang indicators mga crime indicators I suggest, nananawagan po tayo na ipagbigay alam po sa amin sa inyong kasundaluhan sa inyong PNP para maaksyonan po natin agad.”