Business
Kauna-unahang self-driving bus ng bansa, available na sa Tarlac
Available na sa bansa ang kauna-unahang self-driving bus ayon sa Bases Conversion and Development Authority (BCDA).
Matatagpuan ito sa New Clark City, Capas, Tarlac.
Magiging accessible ito sa commuters na bibyahe sa New Clark City, Clark Free Port Zone at Clark International Airport.
Una itong inilunsad noong Setyembre 10, 2024 at magkatuwang dito ang Zenmov Inc. ng Japan at MC Metro Transport Operation Inc.