Connect with us

Kawalan ng ‘due process’ sa suspensyon ng SMNI, idinetalye sa Senado

Kawalan ng 'due process' sa suspensyon ng SMNI, idinetalye sa Senado

National News

Kawalan ng ‘due process’ sa suspensyon ng SMNI, idinetalye sa Senado

Sa unang pagkakataon ay nagkaroon ng patas na entablado ang Sonshine Media Network International (SMNI) para madinig ang panig nito hinggil sa ipinataw ng National Telecommunications Commission (NTC) na indefinite suspension sa network.

Inisa-isa ng kampo ng SMNI kung bakit masasabing walang due process ang pagkakasuspinde ng network.

“Eh noong bumagsak po sa amin ‘yung suspension order na 30-days, ‘yung indefinite suspension order, wala po kaming kamalay-malay. So ano po ba ang ibig sabihin ng due process clause? Simple lang po, fair play. So kami ba ay nagkaroon ng fair play dito? Parang wala po eh. Wala po kaming fair play dito,” ayon kay Legal Counsel, SMNI, Atty. Rolex Suplico.

Muling nagharap ang SMNI at ang naglabas ng utos na suspindehin ang operasyon nito ang NTC.

Sa consultative meeting ng Senate Committee on Public Information and Mass Media na pinangunahan ni Senador Robin Padilla ay sinabi ng SMNI na hindi patas o walang due process ang ginawang pagpataw ng ‘indefinite suspension’ ng nasabing komisyon.

Ayon kay Atty. Rolex Suplico, isa sa mga abogado ng SMNI at kilalang franchise lawyer, ‘di kapanipaniwala ang ginawa ng NTC sa nasabing network.

Sa kasong ito aniya unang nakita na ang korteng magdidinig sa reklamo at ang naghain ng mismong reklamo ay iisa lamang.

“Alam niyo ho may pre-hearing conference. Katulad po ‘yan ng isang pre-trial conference. Ang abogado di basta-basta pupunta dun. Kailangan po meron kayong special power of attorney na bitbit. Kasi among others baka pwedeng aregluhin,” saad pa nito.

Ayon naman kay Atty. Mark Tolentino, dapat ay nadismiss na ang nasabing kaso.

Bukod kasi sa walang nangyaring pagdinig ay di rin sinipot ng NTC o wala silang kinatawan sa ipinatawag nitong pre-trial brief.

“Nakalagay ‘dun sa rules if court na if you fail to file a pretrial brief. It has the same affect as failure to appear. If you fail to appear the case should be dismissed,” ayon naman kay Legal counsel, SMNI, Atty. Mark Tolentino.

Kinuwestiyon rin ng abugado kung bakit nakabatay sa pagdinig ng Kamara ang suspension order ng NTC gayong mula sa magkaibang sangay naman sila ng gobyerno.

Ang Kamara ay bahagi ng legislative branch habang ang NTC naman ay nasa ilalim ng executive branch.

Ipinunto ng mga abugado na dapat ay nagsagawa ng sariling imbestigasyon ang NTC at hindi ‘yung basta nalang ito nagpa-dikta sa Kamara.

“Ang bases po nila is the determination of the House of Representatives. Parang pinalabas po nila na ang NTC ay pwedeng diktahan pala ng House of Representatives,” saad pa ni Atty. Mark Tolentino.

Matatandaan na sa ginawang pagdinig sa Kamara sa umanoy mga violation ng SMNI ay di binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag ang mga abugado nito. Bukod pa riyan ay agad rin silang tinatakot na macontempt.

Ikinagulat na lamang ng SMNI matapos maglabas ng resolution ang Kamara na naghihikayat sa NTC na suspindehin ang network.

Kaugnay nito ay naghayag naman ng pagkabahala ang Kapisanan ng mga Broadcaster sa Pilipinas (KBP) sa ginawa ng NTC at Kamara sa SMNI.

Ayon sa grupo, nagdulot ito ng takot sa iba pang mga mamamahayag.

“Actually, the whole proceedings sa congress at NTC medyo nabahala po ang industriya. Parang may sword of Damocles sa ulo at sa parlance ng media nagkaroon ng chilling effect. Importante na maingat ang mga mamamahayag pero iba ‘yung maingat na takot ka,” pahayag ni Spokesperson, KBP, Atty. Rudolph Steve Jularbal.

More in National News

Latest News

To Top