International News
Kenyan cult leader, muling haharap sa korte sa nagpapatuloy na imbestigasyon
Nakatakdang muling haharap sa korte ngayong linggo ang lider ng Kenyan cult kaugnay sa pagkamatay ng mahigit 130 niyang tagasunod.
Ito’y sa gitna ng nagpapatuloy na imbestigasyon ng pulisya matapos ang ginawang paghuhukay sa mga mass graves sa kagubatan ng Shakahola.
Inakusahan ang lider ng kulto na si Paul Nthenge Mackenzie na inatasan ang mga tagasunod o followers na gutumin ang sarili hanggang sa mamatay para agad na makarating ng langit.
Sa ngayon, nasa 21 katawan na ang nahukay sa tinawag na ‘Shakahola Massacre’ habang daan-daan pa ang nawawala.
