National News
Kerwin Espinosa at 2 iba pa, nagtangkang tumakas sa NBI Detention Center
Napigilan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tangkang pagtakas ng umano’y drug lord na si Kerwin Espinosa at 2 iba pang inmate sa National Bureau of Investigation (NBI) Detention Center.
Ayon kay NBI OIC-Director Eric Distor, Enero 13, 2022 ng makatanggap ng impormasyon ang kanilang Security Management Section (SMS) na nagpaplano ang tatlong inmates na tumakas sa pamamagitan ng butas na pinaglalagyan ng exhaust fan sa kisame.

Courtesy: NBI
Agad naman ininspeksyon ng NBI ang selda at doon nakita ang pagtatangkang pagbaklas sa exhaust fan.

Courtesy: NBI
Dahil sa insidente, lalong hinigpitan ang ipinatutupad na seguridad sa bilangguan.
