Sports
Kevin Durant at 3 pang miyembro ng Brooklyn Nets, nagpositibo sa COVID-19
Nagpositibo na rin ang NBA Superstar na si Kevin Durant at 3 iba pa na miyembro ng Brooklyn Nets sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Base sa pahayag ng koponan ng Nets, sa 4 na miyembro na nagpostibo sa virus ay isa dito ang nakitaan ng sintomas habang ang 3 naman ay asymptomatic.
Kasalukuyang naka-isolate ngayon ang 4 na manlalaro at nasa ilalim ng pangangalaga ng kanilang team physicians.
Hindi naman sinabi kung nakakaranas ng sintomas si Durant at hindi rin inihayag ang identity ng 3 iba pang miyembro na nagpositbo sa COVID-19.
Sa ngayon ay sinimulan na ng Nets ang contact-tracing sa mga posibleng nakasalamuha ng mga manlalaro kabilang na ang ibang teams na nakalaban ng kanilang koponan bago suspendihin ng NBA ang ongoing season nito noong Marso 12.
