Connect with us

Kilalang IP leader sa Mindanao, nagpahayag ng galit ng mga katutubo kay Sen. Loren Legarda

Kilalang IP leader sa Mindanao, nagpahayag ng galit ng mga katutubo kay Sen. Loren Legarda

National News

Kilalang IP leader sa Mindanao, nagpahayag ng galit ng mga katutubo kay Sen. Loren Legarda

“Trinaydor niya (Legarda) ang mga katutubo.”

“Siya ang representative ng CPP-NPA-NDF sa Senate”, ani Datu Lipatuan Joel Unad, lider ng tribong Obu Manuvu.

Ito ang naging reaksyon ni Datu Lipatuan Joel Unad, lider ng Tribong Obu Manuvu at pinuno ng Mindanao Indigenous People’s Council of Elders and Leaders,  isa sa mga kinikilalang lider ng mga katutubo sa Mindanao sa naging pahayag ni Sen. Loren Legarda kamakailan hingil sa pagpanig nito sa teroristang grupong CPP-NPA-NDF.

Sa eksklusibong panayam ng Laban Kasama ang Bayan ng SMNI News kay Datu Unad, masakit para sa kanila na malaman na biglang bumaliktad si Senador Legarda na itinuturing pa naman sana nilang bahagi ng mga katutubo dahil sa pagtangkilik nito sa mga kasuotan na gawa at dinesenyo ng iba’t ibang tribu.

“Kinilala siya na bahagi ng katutubo,” dagdag pa nito.

Kinondena rin ni Datu Unad ang panukala ni Sen. Legarda na ibalik ang peace talks sa pagitan ng gobyerno at ng CPP-NPA-NDF dahil ang mga katutubo mismo ang nagpanukala noon kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na ihinto ang peace negotiations sa pagitan ng rebeldeng grupo.

“Kami mismong katutubo sa buong Pilipinas nagbigay ng sulat kay PRRD requesting to stop peace negotiations,” saad pa ni Datu Lipatuan Joel Unad.

Ayon kay Datu Unad, ayaw na ng mga katutubo sa CPP-NPA-NDF dahil sa pagpigil niyo sa pag-unlad sa pamayanang katutubo at paggamit sa mga kabataang katutubo para maging child warriors.

“Ginamit nila ang mga kabataang katutubo para maging child warriors.”

“Pinigilan nila ang pag-unlad sa pamayanang katutubo sa pamamagitan ng kanilang extortion activities.”

“Mas makatarungan ang ating pamahalaan na gumawa ng barangay development para sa pamayang katutubo,” giit pa ni Datu Unad.

Hayagang sinabi naman ni Datu Unad na kailanman ay hindi nila naramdaman ang pakikialam ni Senador Loren Legarda sa hustisya ng mga tribong pinapatay ng CPP-NPA-NDF.

Dahil dito, nananawagan si Datu Unad sa lahat ng mga katutubo na hindi kilalanin na isang lider o isang opisyal ng gobyerno si Senador Legarda dahil aniya sa koneksyon nito kay Joma Sison ang lider ng teroristang grupong CPP-NPA-NDF.

Lubos naman na nagpapasalamat ng mga katutubo sa Mindanao sa suporta na binibigay ni Pastor Apollo C. Quiboloy, ang honorary chairman ng SMNI sa tunay na pagmamahal at pagmamalasakit ng butihing pastor sa mga indigenous people.

 

 

More in National News

Latest News

To Top