Showbiz
Kim Chiu at Xian Lim, masayang ibinahagi ang kanilang bakasyon sa China
MASAYA namang ibinahagi ng real life love team na Kimxi o ng magkasintahang Kim Chiu at Xian Lim ang kanilang bakasyon sa Xian China nitong holiday season.
Makikita ang magkasintahan na masayang naglilibot at kumakain ng street food sa China.
Ito ay sa Instagram post ni Kim na may caption na “collecting memories in CN @xianlimm.”
Sa isang post naman ni Xian, na hindi madaling mahalin ang katulad ni Kim.
Dahil aniya ito sa angkin nitong personalidad na pagiging masayahin.
Magugunita na kamakailan lang ay inamin ng aktres na matagal na silang magkarelasyon ni Xian.
Una namang nagtambal bilang love team ang magkasintahan sa pelikulang my Binondo Girl noong 2011.