Connect with us

Klase sa ilang lungsod sa Metro Manila, suspendido dahil sa masamang panahon

Klase sa ilang lungsod sa Metro Manila, suspendido dahil sa masamang panahon

Metro News

Klase sa ilang lungsod sa Metro Manila, suspendido dahil sa masamang panahon

Suspendido ang klase sa ilang mga lungsod sa Metro Manila ngayong Huwebes, August 31, 2023.

Ito ay dahil sa masamang panahon na epekto ng habagat na pinalalakas ng bagyong Goring at Hanna.

Kabilang sa mga lungsod na suspendido ang klase sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan ay ang Maynila, Navotas, Marikina, Malabon at Caloocan.

Samantala, suspendido rin ang ilang klase sa Mariveles, Bataan, Ilocos Norte Abra, Baguio City, Benguet, Aparri at Buguey sa Cagayan, at Bacolod City, Negros Occidental.

More in Metro News

Latest News

To Top