Connect with us

Koalisyon ng iba’t ibang sektor para pigilan ang posibleng giyera sa WPS, ilulunsad

Koalisyon ng iba’t ibang sektor para pigilan ang posibleng giyera sa WPS, ilulunsad

National News

Koalisyon ng iba’t ibang sektor para pigilan ang posibleng giyera sa WPS, ilulunsad

Para pigilan ang posibleng giyera sa West Philippine Sea (WPS), isang koalisyon ang ilulunsad ngayong linggo na bubuuin ng iba’t ibang sektor sa bansa.

Sa panayam sa Pulso ng Bayan sa SMNI, sinabi Adolfo Paglinawan, isang dating press attaché, na ito ang mabisang paraan para ipaabot ang kanilang boses sa Marcos Jr. administration.

“At ngayon ay nabuo na ito ay nationwide coalition ng mamamayan kontra giyera. No to US-BBM Proxy War,” ayon kay dating Press Attaché, Political Analyst, Adolfo ‘Ka Ado’ Paglinawan.

Tutol ang grupo sa pagdami pa ng EDCA bases sa bansa laman ang mga gamit pagdigma ng mga Amerikano.

Lalo na nag istratehikong paglalagay ng mga ito sa lugar malapit sa Taiwan, malapit sa mga lugar sa Norte kung saan naroon din ang mayorya ng EDCA sites.

“Dahil sa walang tigil na mga utak pulbura sa ating lipunan kung saan wala namang nakikitang kaaway ang sambayanan ay para bang dito nakatutok ang atensyon ng ating pangulo. Sa harap ng malawakang kahirapan,” saad pa nito.

Diin ni Paglinawan, may mga dating senador ang kasapi sa kilusang ito.

“Nandiyan ang ating kagalang-galang na dating Senador Nikki Coseteng, nandiyan ang dati nating Senador si Franciso Tatad,” ani Paglinawan.

Sa April 24, araw ng Miyerkules, sa Quezon City Sports Club ilulunsad ang koalisyon kontra giyera.

“Mga kabansa, ikakalat namin ang manifesto na ito at kung sa inyong pananaw ay kontra-giyera at pro-peace kayo, kayo ay para sa kapayapaan hindi sa kaguluhan, pumirma po kayo dahil ikakalat namin ito sa sambayanan para malaman na ninyo kung ano talaga ang ginagawa ng ating gobyerno. Palapit tayo ng palapit sa kapahamakan,” pahayag pa nito.

More in National News

Latest News

To Top