National News
KOJC at PNP, nagkaharap sa Senado
Inusisa sa Senado ang marahas na paglusob ng Philippine National Police (PNP) sa mga religious compound ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa Davao City sa layuning ihain ang arrest warrant ni Pastor Apollo C. Quiboloy at limang iba pa.
Pero sa kabilang panig ay maluha-luhang, ibinahagi ni KOJC Executive Secretary Nori Cardona ang totoong nangyari.
Bukod sa marahas ang naging pagsalakay ng PNP, dalawang katutubo ang nasawi at marami ang nasaktan.
“The following day namatay ‘yung father. That day din ‘yung asawa nya tinitimpla pa nya ng kape ang mga sundalo nanginginig na sya after a few days na stroke. Hindi na si William nakapaglibing ng Father nya kasi na stroke ang asawa niya. Dinala namin sa ospital, di naglaon namatay din.”
Kabilang dito ang kawalan ng search warrant, fishing expedition o walang katiyakan sa paglusob, labis na paggamit ng drones sa KOJC central compound kahit na ito ay isang no fly zone, illegal wiretapping, at pagiging bayolente sa isang church at school area.
Sa kabila nito ay tiniyak ng PNP na walang mali sa ginawang paglusob kasi sumunod naman sila sa protocols, pahayag na di nakaligtas mula kay Senador Bato na isang dating PNP Chief.
Tanong naman ni Sen. Bato, “Kaya nga I’m asking you sino ang hinahanaap doon, sino ang hinahanap dito sa 1,2,3 na mga areas para klaro tayo na hindi to fishing expedition as alleged by Atty. Torreon that is quiate an obvious kung itong lima ay hinahanap nyu sa limang lugar din.”
Naghayag naman ng kanyang sama ng loob sa kapulisan si KOJC Administrator Nelida Lizada.
Ayon sa kanya walang choice ang KOJC, kundi ipagtanggol ang sarili dahil ang ginawang paglusob ng PNP at labis na tinawag pa niyang malaterorista.
Ani Nelida, “I co-contest ko ‘yung sinabi niya nag serve lang kami ng warrant of arrest. Hindi kayo nag serve lang ng warrant of arreast nilusob ninyo kami in a horrible and terroristic way. Bus loads and truckloads of men in uniform. Madaling araw, tulog pa ang iba kagigising namin. Ikaw sir lulusubin ka? ikaw sir what will be your reaction? Bibitbit kami ng biblia ay sabi sa word of God, ganun?!”
Nagbigay naman ng katiyakan si PNP Chief Marbil na susunod ang PNP sa rules of procedures at sa hinihiling na pagrespeto sa Human rights ng KOJC kung isusuko lamang si Pastor Apollo at ang apat na iba pa.
“I assure as chief PNP that we assure you na i surrender nyu lang po si Apollo Quiboloy and 4 others and you will see that we follow rules and human rights. Diot niyo makita na we follow rules on human rights.”
Pero hindi naman ito sinang-ayunan ni Senador Bato at tinawag pa itong unfair.
Paliwanag ng senador wala naman talagang nakakaalam sa kinaroroonan ngayon ni Pastor Apollo.
“It’s unfair for them naman na i-require nyu muna sila na I surrender muna si Pastor Quiboloy para maging peaceful ang Davao parang ganun. Para maging normal ang lahat. For all you know si President Duterte walang contact kay Pastor Quiboloy.”
Ang nasabing pagdinig ay nakatakdang ipagpatuloy sa August 20.