Connect with us

KOJC, ex-kadre, kinuwestyon ang katayuan ng AFP at PNP

Mga totoong kriminal, dapat tutukan ng PNP imbis ang KOJC

National News

KOJC, ex-kadre, kinuwestyon ang katayuan ng AFP at PNP

Nakasaad sa batas na mandato ng kasundaluhan at kapulisan na protektahan ang mga Pilipino lalo na ang mga ordinaryong mamamayan.

Pero papaano kung ang inaasahan mo na tutulong at poprotekta ay siyang ginagamit ng mga walang pusong politiko para sa kanilang mga sariling interes?

Magandang halimbawa nito ay ang Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na iligal na sinalakay ang mga religious compound, patuloy na hinaharass ng mga naka-unipormeng pulis at mga nagtatagong sundalo na palihim na nagmamanman sa paligid ng mga nasabing compound.

Ang resulta ay matinding trauma at takot sa mga walang kalaban-labang sibilyan.

Para kay Dr. Lorraine Badoy, dating tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-Elcac), mataas ang respeto ng mga Pilipino sa kapulisan at kasundaluhan noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Pero aniya, nag-iba na itong lahat ngayon, “There we can see that photo of the president, the former president at ‘yung talagang how much he respected and admired the afp. But now what’s going on here on KOJC is ‘yung pagha-harass ng pnp at pag-i-intimidate, nananakot sa mga taga dito. So, that is the problem right now here.”

Tanong naman ni Sis. Eleanor Cardona, executive secretary ng KOJC, hahayaan nalang ba ng mga otoridad ang ganitong pang-aabuso?

“Tanong lang po, hahayaan na lang ba ng ano nung mga military natin ang mga panggigipit, hindi lang sa KOJC ngunit pati po kay VP Sara.

“Kasi diba kung ano ang nangyayari sa atin ngayon. So, hahayaan pa ba natin ‘yung mga pulis ng PNP, panggigipit. So, we are calling on sa atin pong military kung ano ba? At saka ‘yung mga naging perceived enemies ng state.”

Para naman sa dating intelligence officer ng CPP-NPA-NDF na si Jeffrey “Ka Eric” Celiz, hindi ngayon malaman ng taumbayan kung nasaan ba ang katayuan ng AFP at PNP?

 “Saan ba ang katayuan ngayon ng Armed Forces of the Philippines at ng Philippine National Police as organization na siyang dapat nangangalaga sa kapayapaan, kapanatagan, batas, at katarungan ng mamamayan.”

Kaya panawagan ngayon ni Ka Eric sa gobyerno, “Mr. Marcos Jr., Abalos, and the rest na mga tauhan ni Marcos more important than the interest of the entire Filipino people sa gitna na ang pinanggagalingan ng threat, panunupil, karahasan ay state-perpetrated, state-sponsored abuses and terrorism na ginagamit ngayon ang instrumentalidad ng pulis.

Saan ang boses ng matitinong mga namumuno ng Armed Forces of the Philippines at ng Philippine National Police?”

 

More in National News

Latest News

To Top