National News
KOJC, iginiit na walang pinipilit na sinuman sa simbahan
Bawat isang tao ay mayroong malayang pagpili.
Bawat indibidwal ay mayroong karapatang magdesisyon nang hindi maaaring pilitin.
‘Yan ang pinakamahalagang tuntunin o ‘cardinal rule’ ng Kingdom of Jesus Christ, ayon sa opisyal na pahayag na inilabas nitong Huwebes, Setyembre 12, 2024 kaugnay sa mga ibinabatong akusasyon ng human trafficking at pang-aabuso.
Binigyang-diin ng KOJC na sa pagsasabuhay ng tuntunin na ito, lahat ng manggagawa o miyembro ng simbahan ay mula sa kanilang kusang-loob na desisyon.
Sa pahayag, “In exercising this rule it means you cannot be forced or allow yourself to be forced to do anything you do or anything that happens to you, may you be a missionary worker or Kingdom member is your own voluntary will or choice.”
At ito ang pinakamahalagang uri ng karapatang pantao na iginagalang ng KOJC, mapa-indibidwal man o bilang isang organisasyon.
“In the Kingdom of Jesus Christ Doctrine, your freedom of choice is the highest form of Human Rights exercise. And in the KOJC, we uphold this rule in everything we do as a corporate body or as an individual member.”
Kaya naman, ayon pa sa pahayag, ito ang dahilan kung bakit ang mga taga-KOJC ang pinakamasaya sa kanilang ginagawa at paniniwala at handang ialay ang kanilang buhay para dito dahil hindi sila pinilit na gawin ang anumang labag sa kanilang kalooban.
“That’s the reason why the Kingdom are the happiest in what they do and believe to die for as they were not forced to do anything against their will.”
Kaliwa’t kanan man ang pinagdaraanan ng KOJC ngayon, nananatili silang positibo na makakamit din ang hustisya lalo na’t naninindigan ang simbahan na inosente ang kanilang leader na si Pastor Apollo C. Quiboloy, kasama ang iba pa nitong leader na humaharap ngayon sa mga alegasyon.
Nagpapatuloy din ang kanilang panawagan at pananalangin na magiging maayos na rin ang lagay ng bansa sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.