Connect with us

KOJC legal counsel, itinuwid ang kumakalat na balita na may isinukong baril ang kampo

KOJC legal counsel, itinuwid ang kumakalat na balita na may isinukong baril ang kampo

Kingdom News

KOJC legal counsel, itinuwid ang kumakalat na balita na may isinukong baril ang kampo

Ipinagkatiwala at hindi isinuko!

Ito ang binigyang linaw ni Atty. Israelito Torreon ang legal counsel ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) kaugnay sa mga balitang inilabas sa media.

Sabi ni Atty. Torreon, hindi naman kailangang isuko ang mga baril ni Tamayong Barangay Capt. Cresente ‘Enteng’ Canada.

“We entrusted we would like to correct na sinurrender natin we entrusted for safe keeping the 21 licensed guns of Brgy. Kapitan Cresente ‘Enteng’ Canada even if walang order sa kaniya, even if hindi nakansela LTOPF para maiwasan ang mga salita-salita at mga news item na sumisira sa imahe,” ayon kay KOJC Legal Counsel, Atty. Israelito Torreon.

Ang mga baril ay itinurn-over kay Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 12 Chief PLt. Col. Bernard Pagaduan at Major Edgardo Bahan.

Si Canada, na isang gun collector, ay nagdesisyong gawin ang hakbang bilang isang ‘act of good faith’ patunay na siya at ang mga miyembro ng KOJC ay walang intensiyong gamitin ang baril para sa karahasan o maging ‘subject’ para maglabas ng search warrant ang mga awtoridad.

“Bakit natin ginawa ito? Ginawa natin ito to dispel rumors that this gun is being used to sow terror or to defend Pastor Apollo C. Quiboloy si Kapitan Canada is a licensed sports collector,” dagdag pa nito.

21 baril na gaya ng pistol at riffle ang ipinagkatiwala ni Canada sa CIDG.

Binigyang diin ni Atty. Torreon na walang naghain ng reklamo o nagbigay ng rekomendasyon upang bawiin ang lisensiya ni Canada sa mga baril na pag-aari nito.

Nanindigan si Atty. Torreon na dapat hindi tratuhin ng mga awtoridad na terorista si Pastor Apollo C. Quiboloy at mga miyembro ng KOJC.

“Kasi po ang mga miyembro po ng Kingdom of Jesus Christ ay hindi naman po terorista at sila po ay complying citizens. They are law abiding citizens and they are not here to sow terror to our country as a matter of fact they are instrument toward nation building,” ani Torreon.

At isang patunay dito ang nauna nang pagsuko ng mga baril na nasa pangalan ni Pastor Apollo C. Quiboloy kasunod ng inilabas na license revocation ng PNP Firearms and Explosives Office.

Naniniwala ang KOJC legal counsel na wala nang dahilan para maglabas o maghain ng search warrant ang mga awtoridad sa mga property ng KOJC.

“May mga maling impormasyon na may search warrant daw silang i-serve dun sa mga properties ng Kingdom sana naman po walang point itong dahilan kasi ‘yung mga lisensiyadong baril ay wala naman pong rekomendasyon to have it cancelled ay inintrust na po namin for safe keeping. Sana naman kung may mga plano na ito ay huwag na nilang ituloy,” aniya.

More in Kingdom News

Latest News

To Top