National News
KOJC-Pastoral Dept, kinontra ang paninira vs. Pastor ACQ
Nagsalita na ang mga miyembro ng Pastoral Department ng The Kingdom of Jesus Christ (KOJC) para pasinungalingan ang mga akusasyon laban kay Pastor Apollo C. Quiboloy.
Partikular na rito ang pag-aakusa sa butihing Pastor sa salang rape.
Isa sa mga nagsalita ay si Sis. Mylene Dueñas na higit 17 taon nang nagsisilbi bilang isang KOJC missionary at kabahagi ng Pastoral Department.
Ayon kay Sis. Mylene, masakit para sa kaniya na mas pinakikinggan pa ng mga awtoridad at publiko ang iilan lamang na tumalikod sa paglilingkod kumpara sa maraming nananatiling matapat sa KOJC hanggang ngayon. “Ang dami naming natitira dito, babae kami, ginawa kaming dignified women ni Pastor. Gusto lang din namin sa side namin na kami naman ‘yung pakinggan. Ilan lang din naman ‘yung nagsasalita against kay Pastor, na ‘yung mga nagsasalita against kay Pastor, kayo mismo, alam ninyo kung gaano kabait si Pastor.”
Si Sis. Claudette Pingul na 15 taon na sa paglilingkod bilang KOJC missionary at miyembro rin ng Pastoral Department, sinabi na kung nais talaga ng mga awtoridad na makilala ang tunay na pagkatao ni Pastor Apollo, mas karapat-dapat tanungin ang mga nananatiling miyembro ng KOJC. “‘Yung mga nag-aakusa kay Pastor ng rape or sexual allegation, dapat hindi sila (mga awtoridad) makinig doon. Dapat sa amin sila makinig, ‘yung mga awtoridad kasi kami ang nagpaiwan dito, eh. Lalo na kami na matagal nang kasama si Pastor. Sila, matagal naman din silang wala dito.“
Binigyang-diin pa nila, sino bang bobo na tatagal sa KOJC at hahayaan ang kaniyang sarili na maging biktima kung totoo man ang mga alegasyon laban kay Pastor Apollo?
Ani Sis. Mylene, “For 17 years, sa tingin ninyo, ganoon ba kami kabobo na hahayaan namin yung sarili namin na maging victim of rape? Kayo din mismo, you can testify, makikita niyo din iyan sa itsura namin if we are a victim of rape.
Hindi naman kayo mga tanga, kayong mga nasa labas na mga tao, ‘yung mga nagbibigay ng accusation kay Pastor na rapist talaga si Pastor. Tingnan niyo kami, kung niri-rape ba kami, makikita niyo iyan sa postura namin. Makikita niyo, the way- kung na-traumatize kami, makikita niyo iyan.”
Pahayag naman ni Sis. Claudette, “Ako- I, for one, I have my painful past. Eh, di sana kung ginawa iyan sa akin ni Pastor, matagal na rin akong wala dito. Tatlo kami nandito magkakapatid, tinulungan ni Pastor.“
Anila, kahit nga ang mga tumalikod sa paglilingkod ay kilala kung sino talaga ang butihing Pastor.
Sa huli, sa kabila ng mga alegasyon laban sa butihing Pastor, nanindigan ang KOJC missionaries na hindi nila kailanman tatalikuran ang taong nagbago sa kanilang buhay.
Anila, wala dapat ikabahala si Pastor Apollo dahil mananatili na nakaukit sa kanilang mga puso at isipan ang mga mabuting itinuro nito.
“Pastor, huwag kang mag-alala sa akin o sa aming lahat kasi nandito kami para sa iyo. Susuportahan ka namin until the end at kami Pastor, tatayuan namin ‘yung lahat ng tinuro niyo sa amin at mananatili kaming dignified good citizens kung saan iyon ang naayon sa kalooban ng dakilang Ama,” ayon ni Sis. Claudette.
“Huwag kayong mag-alala, Pastor, dahil kaming mga fulltime (workers) at mga Pastoral na naiwan dito ay maninindigan talaga para sa inyo, Pastor. Lahat ng itinuro ninyo sa amin sa loob ng maraming taon, na ipinuhunan ninyo sa amin, huwag kayong mag-alala, Pastor dahil paninindigan talaga namin iyon. Lahat ng mga akusasyon laban sa inyo, Pastor, kami ang magiging unang magpapatotoo kung gaano kayo kabuti,” mensahe ni Sis. Mylene.