Connect with us

Komento ng Gabriela sa isyu ni Pastor Apollo C. Quiboloy, isang black propaganda – Ka Eric

Komento ng Gabriela sa isyu ni Pastor Apollo C. Quiboloy, isang black propaganda - Ka Eric

National News

Komento ng Gabriela sa isyu ni Pastor Apollo C. Quiboloy, isang black propaganda – Ka Eric

Naniniwala si Jeffrey “Ka Eric” Celiz na layunin ng CPP-NPA-NDF na pilayan si Pastor Apollo C. Quiboloy sa kanyang pakikipaglaban kontra CPP-NPA-NDF.

Kasunod ito sa lumaganap na isyu kamakailan sa umanoy sex trafficking case ng butihing pastor ng The Kingdom of Jesus Christ sa Estados Unidos.

Matatandaang nagbigay ng kakila-kilabot na komento hinggil dito si Gabriela Party List Rep. Arlene Brosas.

Sinabi niyang binibigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng free pass ang kanyang mga kaalyado sa pangmomolestiya ng kababaihan kahit pa wala naman itong sapat na ebidensya sa kaso ni Pastor Apollo.

Ayon kay ka Eric, malinaw na black propaganda lang ito ng teroristang grupo para tumigil ang butihing pastor sa pangangampanya nito laban sa kanila.

Nakikita rin ni Ka Eric na layunin lang ng mga ito na dungisan ang integridad ng SMNI at DZAR, ang broadcasting network ng butihing pastor.

Sinabi pa ni Ka Eric na halatang nasasaktan na ang front arms ng CPP-NPA-NDF lalo na sa mga expose na nilalabas sa programang Laban Kasama ang Bayan ng SMNI.

Nakahanda naman si Ka Eric na suportahan si Pastor Apollo at ang buong The Kingdom of Jesus Christ sa suliraning kinahaharap nito sa ngayon.

More in National News

Latest News

To Top