Connect with us

Konstitusyon ng Pilipinas, hindi dapat ‘backward looking’ – Prof. Casiple

Sang-ayon si professor at Political Analyst Ramon Casiple na baguhin ang konstitusyon subalit hindi dapat pabalik ang sistema.

National News

Konstitusyon ng Pilipinas, hindi dapat ‘backward looking’ – Prof. Casiple

Sang-ayon si professor at Political Analyst Ramon Casiple na baguhin ang konstitusyon subalit hindi dapat pabalik ang sistema.

Sa panayam ng Sonshine Radio, aniya, “forward looking” ang kailangan na konstitusyon ng Pilipinas at hindi “backward”.

Ayon kay Casiple, wala namang problema kung gagamitin ang dating bersyon ng konstitusyon subalit ang hindi lang mainam ay kung iangkla na dito ang pagbabago ng bansa.

“Ngayon patuloy na nagbago ang panahon napakahalaga kung tingnan actually sa Punto de Vista ng pagbabago ng constitution, tignan natin kung merong mga sumasapat na mga provision pa rin in relation sa mga bagong mga pangyayari. Doon sa Punto de Vista ako umaayon kung kailangan baguhin ang constitution hindi dahil sa 1935 kundi dahil sa kinabukasan, kung may mga bagong sitwasyon na nag-arise ngayon na mahalagang harapin natin, doon natin harapin, ibig sabihin ng constitution dapat nating i-forward, hindi backward,” ani Casiple.

Kasunod ito sa sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile na mainam kung ibalik sa 1935 ang konstitusyon ng bansa.

Ipinaliwanag ni JPE na mas simple at mas ligtas ang 1935 Constitution.

Sa ilalim din nito ay babalik ang bansa sa two-party political system kagaya noong pagkatapos ng World War II.

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top