Connect with us

Kontrata ng Comelec at supplier ng counting machines para sa 2025 election, pinapaharang sa Korte Suprema

Kontrata ng Comelec at supplier ng counting machines para sa 2025 election, pinapaharang sa Korte Suprema

National News

Kontrata ng Comelec at supplier ng counting machines para sa 2025 election, pinapaharang sa Korte Suprema

Inihain na sa Korte Suprema ang petisyon para harangin ang nakatakdang paggamit ng mga vote counting machines ng Miru Systems Incorporated sa 2025 election.

Kaugnay niyan ay hiniling sa Korte Suprema na ideklarang walang bisa ang kontratang pinasok ng Commission on Elections (Comelec) sa Miru na isang kumpanyang mula sa South Korea.

Sa kanyang petition for certiorari ay hiniling ni dating Caloocan Rep. Edgar Erice na maglabas ng Temporary Restraining Order at preliminary injunction ang Korte Suprema para pigilan ang pagpapatupad ng kontrata.

Naniniwala ang dating kongresista na malulugi ang Pilipinas lalo ang mga Pilipino sa ginawa ng Comelec dahil gagastos ng P18-B sa bagong makina, kumpara sa ilang milyong piso na kailangan para sa mga counting machine na binili na ng Pilipinas at under warranty pa ng Smartmatic.

More in National News

Latest News

To Top