Connect with us

Kontribusyon ng SMNI kontra insurhensya, kinilala ni Sen. Bato Dela Rosa

Kontribusyon ng SMNI kontra insurhensya, kinilala ni Sen. Bato Dela Rosa

National News

Kontribusyon ng SMNI kontra insurhensya, kinilala ni Sen. Bato Dela Rosa

Sa gitna ng nanganganib na prangkisa ng Sonshine Media Network International (SMNI) dahil sa imbestigasyon sa Kamara ay kinilala naman ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ang kontribusyon ng SMNI sa nation building.

Sa isang ambush interview sinabi ni Senator Bato, na ang SMNI lamang ang natatanging istasyon sa bansa na walang takot na lumalaban sa local communist terrorist group na CPP-NPA-NDF.

Giit ng mambabatas dapat suportahan ang SMNI dahil sa aniyay napakalaki rin nitong suporta sa programa kontra insurhensya ng bansa, partikular na sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Matatandaan na nanganganib ma revoke ang prangkisa ng SMNI kasunod ng kontrobersyal na pagdetain ng committee on franchise ng Kamara kina dating Usec. Lorraine Badoy at Jeffrey “Ka Eric” Celis na anchors ng SMNI sa programang “Laban Kasama ang Bayan” na nakatutok sa pag expose sa operasyon ang CPP-NPA-NDF.

More in National News

Latest News

To Top