Connect with us

Kontrobersyal na flood control projects, nais paimbestigahan

Kontrobersyal na flood control projects, nais paimbestigahan

National News

Kontrobersyal na flood control projects, nais paimbestigahan

Usap-usapan hanggang ngayon online ang higit 5,500 flood control projects na ipinagmalaki ng administrasyong Marcos na mismong kalikasan ang nag-fact check.

Kasunod kasi ng pananalasa ng mga nagdaang bagyo ay lubog sa baha ang maraming lugar sa bansa.

Kamakailan rin ay nag-viral online ang flood control project sa Mandaue City kung saan natuklasan na wala ni isang steel bar sa gumuhong bahagi ng proyekto.

Sa 4th District sa Quezon City, may kahalintulad rin na sitwasyon kung saan ang flood control project rito ay putol-putol ang pagkakagawa.

Saad ng congressional candidate na si Atty. Jesus ‘Bong’ Suntay, “Kasi china-chopsuey nila eh ‘yung phases which does not serve its purpose.

“Dapat kung gagawin nila iyan, kung nais ipaayos, even kung kahit na yung DPWH na lang on its own sila na yung they should prioritize na mabuo muna yung isang flood mitigation project bago lumipat para hindi putol putol.”

Punto pa ni Atty. Suntay na kumakandidato sa pagka-kongresista ng nasabing distrito na dapat ay magkaroon ang administrasyon ng komprehensibong flood mitigation project.

“Hindi ‘yung depende sa kung anong distrito lang ang nadadaanan.

Kagaya yung sa district ko, sabi ko dadalawa lang yung major arteries sa amin putol putol pa ‘yung pagkakagawa.”

Kiniwestiyon din nito ang bilyun-bilyong pisong ginastos sa mga flood control project pero tuwing malakas ang ulan o may bagyo ay bumabaha pa rin o di kayay nasisira ang mga ito.

Kaya sakaling palarin aniya sa 2025 elections, isusulong niya na maimbestigahan ito.

“If I will be asked for an imbestigation about this, I think we should. We are wasting so much on projects that does not contribute doon sa solusyon to our problem. Paulit-ulit kawawa yung mga Pilipino.”

More in National News

Latest News

To Top