Connect with us

Kooperasyon ng publiko, malaking bahagi para maging epektibo ang enhanced community quaratine – PNP

Ito ang paglilinaw ni PNP Chief Police General Guillermo Eleazar matapos siyang tanungin sa kanyang plano oras na bumaba na ito sa kanyang pwesto bilang pinuno ng Philippine National Police (PNP).

Regional

Kooperasyon ng publiko, malaking bahagi para maging epektibo ang enhanced community quaratine – PNP

Malaking bahagi ang kooperasyon ng publiko sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine sa buong Luzon ayon sa Philippine National Police.

Ito’y matapos na obserbahan na marami na ang sumusunod sa ipinatutupad na protocol at ang mga exempted o authorized nalang ang pwedeng lumabas at bumiyahe.

Sa panayam ng SMNI News kay Philippine National Police (PNP) Chief of the Directorial Staff Maj. Gen. Guillermo Eleazar, malaki ring bagay ang pagsuspinde ng pampublikong transportasyon at ng mga pasok sa trabaho para maiwasan ang paglaganap ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Samantala, nilinaw naman ni Eleazar na may sapat namang protective gears ang task force na nangunguna sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine.

Patuloy naman itong nananawagan sa publiko na mag-ingat para makaiwas sa paglaganap ng COVID-19.

 “Muli gusto nating iparating sa ating mga kababayan na dapat alam natin ang ating mga responsibilidad. Unang-una kung tayoy talaga hindi allowed sa labas, infact alam natin in general na sa bahay.. Except medical and essential services activities, tayoy mag-stay po ng bahay. Tayo po ay makipag cooperate, at wag tayong makipagsapalaran dahil hihigpit talaga ang law enforces para ipatupad to. Isipin nalang po natin na magtulong-tulong sa ating ginagawa para once and for all, di na tumagal pa ang problema at eventually bumalik na tayo sa normal na buhay na wala ng hurdle na magkakasakit pa or mamatay..”

—– Major General Guillermo Eleazar, Chief of the Directorial Staff, PNP

More in Regional

Latest News

To Top