Connect with us

Kooperatiba ng mga mangingisda sa Davao, binigyan ng P150-K livelihood grant ng OVP

Kooperatiba ng mga mangingisda sa Davao, binigyan ng P150-K livelihood grant ng OVP

National News

Kooperatiba ng mga mangingisda sa Davao, binigyan ng P150-K livelihood grant ng OVP

Pinagkalooban ng P150-K livelihood grant ng tanggapan ng Pangalawang Pangulo ang Davao Gulf Fishermen Cooperative bilang benepisyaryo ng proyektong Mag Negosyo Ta Day.

Ang Davao Gulf Fishermen Cooperative ay may 21 miyembro na nakarehistro sa Cooperative Development Authority.

Layunin ng kooperatiba na makapagbigay ng access sa abot kayang frozen products sa komunidad at mapalakas ang benta ng frozen fish products upang matulungan ang mga kasapi nito.

Ang Mag Negosyo Ta Day ay programa ng Tanggapan ng Pangalawang Pangulo na nagbibigay ng livelihood at entrepreneurial oppurtunities sa mga Pilipino.

Maliban sa programang ito tiniyak din ng Office of the Vice President (OVP) na patuloy silang maghahatid ng mga proyekto at serbisyong may pangmatagalang epekto sa buhay ng mga Pilipino.

More in National News

Latest News

To Top