National News
Korap na politiko, isinusuka na ng bayan — senatorial candidate
“Kung talagang titignan ang sentimyento ng taong bayan, sinusuka na talaga ‘yong korupsyon.”
Ito ang pahayag sa panayam ng SMNI News ni dating kalihim ng Department of National Defense at ngayo’y senatorial candidate na si Norberto Gonzales dahil marami sa mga kababayang Pilipino ang hindi natitikman ang mga benepisyo mula sa gobyerno dahil aniya sa matinding korapsyon ng mga politiko.
Halos tatlong taon na ang nakalipas magmula nang maupo bilang pangulo ng bansa si Pang. Ferdinand Marcos Jr., nangangalahati palang ito sa kanyang termino ngunit isinisigaw na ng milyun-milyong Pilipino ang kanilang sentimiyento – ang pagbaba nito sa puwesto.
Kaliwa’t, kanan na rin ang mga ginagawang kilos protesta, hindi lang sa Luzon, Visayas at Mindanao, kundi sa iba’t ibang panig ng mundo.
Sigaw ng maraming Pilipino – palitan ang kasalukuyang namumuno dahil sa talamak na korapsyon na ginagawa ng mga politiko.
Dagdag pa ni Gonzales, hindi na kataka-taka na marami sa mga kababayan ang lumalabas para magsagawa ng mga kilos protesta, “Nahihinog na ‘yan sa pag-iisip at pakiramdam ng marami nating makabayan kaya pag nagkaroon ng isang pagkilos para palitan yong mga nakikita nilang maling pamumulitika marami ang sasali sa mga kababayan natin maraming sasali diyan.”
Pero para kay Gonzales, hindi sapat ang sigaw ng mga tao kung walang lider na tatayo para sa kanilang mga ipinaglalaban.
“Pero naghahanap ng mga lider ang taong bayan natin kaya maganda na may nasasabi ka na nai-encounter mo sa mga interview na may mga ilang political liders na gustong kumampi sa mamamayan na wala nang kurapsyon. Maganda ‘yan sa darating na panahon.”
Kaya naman kung papalarin na manalo at mailuklok sa Senado, ipinangako ni Gonzales na kabilang siya sa mga senador ng PDP-Laban na magtataguyod ng zero corruption kagaya ni Pastor Apollo C. Quiboloy.
Sa huli, nilinaw ni Gonzales na hindi magiging madali na buwagin ang matagal nang sistema ng korapsyon sa bansa, pero sa tulong aniya ng mga Pilipinong namulat na sa katotohanan, mga Pilipinong nagnanais ng tunay na pagbabago, magiging magaan nalang na linisin ang gobyerno.
