Showbiz
Korean actor na si Moon Ji Yoon, pumanaw na
Pumanaw na ang Korean actor na si Moon Ji Yoon sa edad na 36.
Kinumpirma ito ng pamilya nito kagabi matapos lumabas sa ilang local news agency ang pagkasawi ng aktor.
Ayon pa sa family nito, pumunta ng ospital si Ji Yoon dahil sa severe soar throat pero dahil lumala ang kondisyon nito ay dinala ito sa intensive care unit (ICU).
Dagdag pa nito, nawalan ng malay ang aktor at hindi na ito nakarekober pa.
Agad namang bumuhos ang pakikiramay sa naiwang pamilya ni Moon Ji Yoon matapos makumpirma ang pagkasawi nito.
Si Moon Ji Yoon ay unang lumabas sa K-Drama na “Romance” noong 2002 at napabilang sa cast ng Hyunjung, I Love You,” “Sassy Girl Chunhyang,” “Iljimae,” “Big,” “May Queen,” “Cheese in the Trap,” at “Weightlifting Fairy Kim Bok-Joo,” maging ang palabas na “mr. Wacky,” “Cheese in the Trap,” “Whatcha Wearin’? at iba