Connect with us

Korupsyon, pang-aabuso, dapat bantayan sa pagbabalik ng ROTC – Sen. Dela Rosa

Korupsyon, pang-aabuso, dapat bantayan sa pagbabalik ng ROTC - Sen. Dela Rosa

National News

Korupsyon, pang-aabuso, dapat bantayan sa pagbabalik ng ROTC – Sen. Dela Rosa

Maganda talagang ibalik ang Mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) sa mga mag-aaral ayon kay Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa.

Binigyang-diin lang ng senador sa panayam ng Sonshine Radio na dapat bantayan na wala nang mangyayaring pang-aabuso, korapsyon at iba pa dahil ito ang rason kung bakit inalis ang programang ito.

“Dahil nga lang sa mga issues compounding the ROTC Program like corruption, like ‘yung mga hazing, ganoon kaya ito nawala, kaya ito natanggal. So ngayon, ibabalik natin with the assurance and with the preparation na hindi na ito mahaluan ng kurapsyon at pang-aabuso. ‘Yung maassign na mga military officers, military personnel na magha-handle sa ROTC program ay dapat they must be coming among the best of the best military,” ani Dela Rosa.

Samantala, sa hit-and-run issue, hindi nagkakamali ang Philippine National Police (PNP) sa kanilang ginawa na hindi agad inaresto si Jose Antonio Sanvicente Jr.

Ayon kay Sen. Dela Rosa, sinusunod lang ng PNP ang batas na dapat antayin pa ang arrest warrant para kay Sanvicente Jr.

More in National News

Latest News

To Top