Connect with us

Kumalat na babala sa posibleng malakas na lindol sa Metro Manila, walang basehan, ayon sa PHIVOLCS

Phivolcs

Metro News

Kumalat na babala sa posibleng malakas na lindol sa Metro Manila, walang basehan, ayon sa PHIVOLCS

Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa pagkalat ng fake news hinggil sa posibleng lindol sa Metro Manila.

Kasunod ito ng kumalat na balita sa internet kaugnay ng mensahe umano ng PHIVOLCS sa publiko sa mararanasang malakas na pagyanig ng kalakhang Maynila.

Nilinaw ng ahensya sa publiko na hindi nagmula sa DOST-PHIVOLCS ang nasabing mensahe.

Wala ring sapat na basehan para maglabas ng babala ang kanilang tanggapan hinggil sa nakaambang na malakas na lindol.

Paliwanag ng PHIVOLCS, wala pang teknolohiya sa kasalukuyan sa buong mundo para malaman kung kailan maaaring maganap ang isang malakas na pagyanig.

Sa kabila nito ay patuloy ang monitoring ng DOST-PHIVOLCS sa mga lugar na pinanggagalingan ng lindol para magbigay ng sapat na abiso, batay sa mga nakalap na datos.

Hinihikayat naman ng tanggapan ang mga nakatanggap ng mensahe na iwasan na itong ipakalat sa pamamagitan ng text at internet.

Maaari ring bisitahin ang DOST-PHIVOLCS website, facebook at twitter kaugnay ng mga abiso at karagdagang impormasyon sa mga lindol at paghahanda rito.

 

DZARNews

 

 

 

 

More in Metro News

Latest News

To Top