Connect with us

Kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Bacoor City, umabot na 27

Kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Bacoor City, umabot na 27

COVID-19 UPDATES

Kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Bacoor City, umabot na 27

Umabot na sa 27 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa lungsod ng Bacoor.

Ito ay matapos magpositibo ang isang 70 years old na lalaki na nakatira sa nasabing siyudad.

Batay sa Data Privacy Act, hindi maaaring ilathala ang impormasyon ukol sa taong nagpositibo sa nakamamatay na virus.

Dahil dito, pangungunahan ng city health office ang contact tracing sa lahat ng nakasalamuha ng senior citizen habang kasalukuyang sumasailalim naman sa home quarantine ang pamilya nito.

Samantala, umabot na sa 268 ang persons under monitoring (PUM), 48 ang persons under investigation (PUI), 7 ang pumanaw habang 4 na ang gumaling sa COVID-19 sa Bacoor.

 

More in COVID-19 UPDATES

Latest News

To Top