Connect with us

Kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa, umabot na sa 33

DOH, pinawi ang pangamba ng publiko hinggil sa expiry date ng COVID-19 vaccines

National News

Kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa, umabot na sa 33

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na 33 lamang ang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Sinabi ni Health Assistant Secretary Maria Rosario Vergeire na 9 at hindi 11 tulad nang unang napaulat ang nadagdag na kaso mula sa 24 na nai-report noong Lunes ng gabi.

Walang naman aniyang nasawi sa mga naitalang bagong kaso ng sakit at stable naman ang kondisyon ng 4th, 5th, 9th at 10th cases sa bansa.

Nilinaw rin ni Vergeire na hindi pa patay ang 2 nakatatandang pasyente na positibo sa COVID-19, taliwas sa unang napaulat.

Gayunman, sinabi nito na dahil sa may ibang karamdaman ang patients number 6 and 9, sila ay nananatiling nasa kritikal.

Samantala, posibleng dahilan naman kung bakit sa Metro Manila naitatala ang karamihan sa COVID-19 cases ay dahil nasa National Capital Region (NCR) ang karamihan sa port of entry ng bansa.

More in National News

Latest News

To Top