Connect with us

Kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo, mahigit 1M na

2,228 nasawi sa nakalipas na magdamag sa US dahil sa COVID-19

COVID-19 UPDATES

Kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo, mahigit 1M na

Umabot na sa mahigit 1M ang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.

Ayon sa website ng global tracker na sa 1,015,466 na ang bilang ng mga nagkaroon ng impeksyon sa buong mundo.

Samantala, nangunguna na sa listahan ang bansang Amerika na mayroong mahigit 200,000 na kaso, ngunit ang Italy pa rin ang may pinaka maraming nasawi sanhi ng virus na may mahigit 13,000 fatalities, pangalawa naman ang China na mayroong mahigit 10,000 nasawi sanhi ng COVID-19.

Sa ngayon, mahigit 50,000 na ang nasawi sa buong mundo at mahigit 200,000 naman ang naka-recover.

Samantala, nasa pang-31 na ang pilipinas sa may pinaka maraming kaso ng COVID 19 sa buong mundo na mayroong halos 3,000 kaso na.

More in COVID-19 UPDATES

Latest News

To Top