COVID-19 UPDATES
Kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, umabot na sa 2,311
Umaabot na sa higit 2,300 ang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.
Sa tala ng Department of Health (DOH), nasa 2,311 ang positive cases sa bansa.
Ito ay matapos makapagtala ang DOH ng 227 na bagong kaso kahapon.
Mula sa higit 2,000 positive cases, 50 dito ang naka-recover o gumaling na sa sakit.
Habang pumalo na sa 96 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa bansa.
Sa bagong data ng death toll, 8 dito ang nadagdag na kabilang sa tinatawag na vulnerable population dahil sa kanilang edad na 65 taon pataas.
Sa naturang bilang, 5 ang lalaki at 3 ang babae na halos lahat sila ay residente ng Metro Manila, isa naman ang taga-Cebu City.