COVID-19 UPDATES
Kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, umabot na sa 2,633
Nadagdagan pa ang bilang ng kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.
Ayon sa Department of Health (DOH), umaabot na sa 2,633 ang positive cases sa bansa.
Mula sa nasabing bilang, 51 na dito ang gumaling sa sakit matapos ang gamutan at quarantine procedure.
Habang nadagdagan naman ng 11 ang mga nasasawi sa COVID-19.
Dahil dito, pumalo na sa 107 ang bilang ng mortality dahil sa COVID-19 pandemic sa bansa.
Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, patuloy pa rin ang assessment ng ahensya kasama ang Inter-Agency Task Force (I-ATF) sa epekto ng ipinatutupad na enhanced community quarantine sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa buong bansa.
