COVID-19 UPDATES
Kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa QC, umabot na sa mahigit 1, 000
Umabot na sa kabuuang 1,062 ang nagpositibong kaso ng sa Quezon City batay sa datos ng Department of Health (DOH).
Ayon sa QC Government, 903 dito ay may kumpletong address sa lungsod.
Umabot naman sa 712 ang kumpirmado na ng QC epidemiology and disease surveillance unit.
Nasa 94 naman ang bilang ng mga nasawi, 92 ang nakarekober sa sakit at 526 ang active o recovering cases.
Habang mayroon din ang lungsod ng 183 na suspected cases na kasama sa contact traced.
