National News
Kuwait, nagpalabas ng travel ban sa Pilipinas at 6 na iba pang bansa
Nagpatupad ng travel ban ang gobiyerno ng Kuwait laban sa Pilipinas at sa 6 na iba pang mga bansa.
Ito ay bilang precautionary measures para makontrol ang pagkalat ng bagong Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Pansamantang sinuspinde ng Kuwait ang lahat ng flights papunta at palabas ng Kuwait International Airport mula sa Pilipinas, kasama ang Bangladesh, India, Sri Lanka, Syria, Lebanon at Egypt.
Ang suspensyon ng flights ay nagsimula noong Marso 6 at tatagal ito ng isang linggo.
Habang ang mga mamamayan naman ng Kuwait ay pinapayagang pumasok doon basta susunod sa quarantine procedures na ipinapatupad.