Connect with us

Kwalipikasyon ni Bamban Mayor Guo, puwede pa ring kuwestyunin; Perjury case, maaaring isampa vs Guo – Comelec

Kwalipikasyon ni Bamban Mayor Guo, puwede pa ring kuwestyunin; Perjury case, maaaring isampa vs Guo – Comelec

National News

Kwalipikasyon ni Bamban Mayor Guo, puwede pa ring kuwestyunin; Perjury case, maaaring isampa vs Guo – Comelec

Nasa hot seat ngayon si Bamban Mayor Alice Guo matapos pagdudahan ang kanyang citizenship dahil sa pagkakadawit ng pangalan niya sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) Hub sa Tarlac.

Napagdudahan itong isang Chinese spy sa pagdinig ng Senado dahil sa kawalan diumano nito ng official records na isa siyang Pilipino.

Tuloy, ang Commission on Election (Comelec) natanong, kung ano ang posibleng kahihitnan ng posisyon nito bilang halal na alkalde.

Unang nilinaw ni Comelec Chair Atty. George Garcia, na walang kumwestyon sa certificates of candidacy (COC) na isinumite ni Guo kaya nagawa nitong makatakbo sa halalan.

Wala rin aniyang kumwestyon sa kaniyang application of registration.

“Sa kalagayan po ng naturang personalidad, sa verification po namin wala pong nag-file ng disqualification sa kaniya bilang isang kandidato. Infact, noong nagparehistro siya noong April 2021 bilang isang botante, wala ni isang nag-oppose sa kaniyang application for registration, kaya ito ay na-approve ng Election Registration Board,” ayon kay Chairman, Comelec, Atty. George Garcia.

Sa pagpasa ng COC, hindi obligado ang mga kandidato na patunayan na sila ay Filipino citizen para maging isang kandidato.

Hindi rin obligado ang mga tatakbo na magpakita ng anumang dokumento tulad ng birth certificate.

“As far as the Comelec is concerned, ang sinusubmit lang po sa atin base sa ating batas, base sa desisyon ng Korte Suprema, ay Certificate of Candidacy. Wala pong nire-require ang batas na i-submit… na patunayan mo, na dalhin mo ang nanay at tatay mo para patunayan na ikaw ay Pilipino. Dapat po nating puntahan o dadako sa ating depinisyon. Sino ba ang Filipino citizen? Dalawa ang citizen sa Pilipinas. Naturally born. Nanay, Tatay mo Pilipino o di kaya’y naturalize. Dati kang Foreigner, pero dahil nag-asawa ka ng Pilipino or such other reason, ikaw ay naturalize.”

“Hindi po nire-required ng ating batas na magsusubmit ng dagdag na dokumento para patunayan na ikaw ay of age. Wala pong birth certificate requirement para patunayan na ikaw ay Filipino citizen o kayay isusubmit mo ang iyong voter’s ID o voter registration, wala pong ganun,” saad pa ni Atty. George Garcia.

Wala rin aniya sa hurisdiksyon ng Comelec na magkansela ng COC kung wala silang natatanggap na petisyon mula sa isang rehistradong botante na kumukwestyon sa kaniyang nationality.

Sinabi rin nito ang hurisdiksyon nila sa mga kandidato ay epektibo lamang mula sa kanilang pag-file ng COC hanggang sa proklamasyon.

Pero ayon kay Garcia, puwede pang kuwestyunin sa korte ang eligibility o kuwalipikayon ni Guo sa kanyang posisyon.

“Kahit po, nanalo na puwepwede pa rin po na habulin ang kaniyang kwalipikasyon o eligibility sa pamamagitan ng pagfafile ng tinatawag na petition for quo warranto,” ani Garcia.

Maaari rin daw masampahan ng perjury si Guo kung mapapatunayan na nagsinungaling siya sa kaniyang COC na isa siyang Filipino citizen.

“Ang sabi po ng batas para makatakbong mayor, dapat ay citizen of the Philippines. Ibig sabihin, whether naturally born o naturalized citizen. Doon po sa certificate of candidacy, may declaration po doon I am a citizen of the Philippines, ‘Yan po ay pinanumpaan niya. Kung mapapatunayan na hindi pala siya totoong Filipino citizen, maari po siyang maging liable o makasuhan ng perjury,” aniya.

More in National News

Latest News

To Top