Showbiz
KZ Tandingan, naghahanda na para sa nalalapit na kasal
Nagsimula pa lamang ang paghahanda ni Kristine Zhenie “KZ” Tandingan para sa pag-iisang dibdib nila ni TJ Monterde.
Ito ang nilinaw ni KZ matapos lumikha ng ispekulasyon ang prenup photos nila ng kapwa singer na tila ikinasal na sila.
Sinabi ni KZ na sinadya nilang isagawa ang prenup shoot nitong February 28 kasabay ng kanilang “five years and one month” bilang magkasintahan.
Matatandaan na December 2019 nang maging engaged ang dalawa at posibleng ngayong taon ganapin ang seremonya.