National News
La Niña, maaaring makatulong sa local production ng asukal– SRA
Maaaring makatulong ang La Niña para mapalakas ang lokal na produksyon ng asukal.
Sa pahayag ni Sugar Regulatory Administration (SRA) Administrator Pablo Azcona, kung sa huling quarter nga ng taon tuluyang magsisimula ang La Niña, advantage ito dahil kasabay ng mga pag-ulan ang pagsibol ng mga sugarcane o tubo.
Subalit nananatiling nakasisira parin ng mga pananim ang madalas na mga pag-ulan.
Sa taya ng PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration), posibleng mabubuo ang La Niña ngayong Setyembre hanggang Nobyembre.
Posible rin itong magtatagal hanggang sa unang quarter ng taong 2025.