National News
Labi ni DMW Sec. Susan Ople, inilipat na sa Malakanyang
Pasado Alas 10 ng umaga nang dumating sa Kalayaan Hall ng Malacañang Palace ang labi ni Migrant Workers Secretary Susan Ople para sa isinasagawang necrological service ngayong araw ng Lunes, ika-28 ng Agosto.
Sinalubong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagdating sa labi ng kalihim.
Kasama rin sa dumalo sa necrological service si Vice President Sara Duterte, dumalo rin ang kalihim ng Department of Labor and Employment (DOLE) na si Bienvenido Laguesma, Tourism Secretary Christina Frasco at iba pang opisyal, kaibigan ng yumaong kalihim.
Mula 1-5 ng hapon magkakaroon ng public viewing sa labi ng kalihim sa Kalayaan Hall sa Malakanyang at ililipat naman ito sa gusali ng Department of Migrant Workers pagdating ng alas 5 ng hapon.
Alas 7 ng gabi sisimulan ang parangal at pagpugay para kay Sec. Toots pagdating ng alas 12 ng hatinggabi hanggang alas 7 ng umaga ang overnight vigil.
Samantala, bukas o araw ng Martes, Agosto 29, nakatakdang i-cremate si Sec. Ople sa heritage park ala 1 ng hapon.
