International News
Lagay ng COVID-19 sa US, “very low”- US Pres. Trump
Iginiit ni US President Donald Trump na nananatiling “very low” ang lagay ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) outbreak sa Estados Unidos.
Sa isang press conference, tiniyak ni Trump na nasa maayos na kalagayan ang Amerika kung saan nasa 60 kaso pa lamang ang naitatalang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Binigyang diin ni Trump ang masinsinang pagsasala ng mga tao mula sa mga high-risked areas at pagpataw ng temporary ban sa non-citizens mula China.
Samantala, ilang mga democrats at republicans naman ang hindi nasiyahan sa paiba-ibang impormasyong inihayag ng mga otoridad patungkol sa outbreak.
Ginisa pa umano ni Republican Senador John Kennedy si Acting Homeland Security Secretary Chad Wolf matapos na hindi mailantad nito ang eksaktong bilang ng Coronavirus cases sa bansa.
Sa ngayon, kabilang sa plano ng US health department sa paglaban sa COVID-19 ang pagpapalakas ng disease surveillance, local government response coordination, developing therapeutics, at increasing manufacturing of personal health protection equipment tulad ng face masks.